Huwag Tumambay, Nakamamatay

Your regular kanto istambay;

Pier porters and stevedores arrested under Duterte anti-tambay policy

Source: RMN.ph and twitter.com

May nag-message sa akin, paliwanag ko raw mabuti yung post ko tungkol sa TAMBAYS at espasyo. Kaya heto na, medyo mahaba at magulo kasi triggered lang ako.

Una, walang mali sa pagiging tambay. Nagiging mali lang ito kapag nilikha at ikinahon na ito sa diskurso ng pagiging informal, pagiging lasenggo, pagiging magulo, maingay at paging banta sa seguridad at kaayusan ng isang komunidad.

Pangalawa, bakit ang tambay ay natatagpuan at hinuhuli lamang sa mga informal na lunan, sa mahihirap na lugar? Bakit hindi hinuhuli kapag nag ‘hang out’ sa labas ng mga bars sa BGC, o yung mga ‘nag-chill’ sa golf courses? hindi ba parehong prinsipyo lang ang nasa likod noon?

Kapag tambay kasi, hindi nagtatrabaho, tapos may gana pang uminom o mag basketball? Ito ay para sa estado hindi pasok sa mga katanggap tanggap na katangian ng isang miyembro ng lipunan. Pero ang pagiging tambay ay may malalim na kahulugan, simptomas ito ng mga mali sa lipunan, problema ng access sa edukasyon, problema ng kahirapan, problema ng mga polisiyang likha ng mga nag-chill sa golf courses.

Pero ang pagtambay ay pag-aangkin sa espasyo, kahit panandalian lamang. Kaya ayaw ito ng estado, dahil kahit sandali lang, nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga tao na sina walang bahala nila.

Ang polisiya na paghuli sa mga tambay ay pagtatatak ng mga tao na “WALA SA KANILANG TAMANG LUGAR” at dahil wala sila sa “tamang” lugar, sila ay hindi karapat dapat para sa proteksyon ng pulis at kung ano pang serbisyo at benepisyong nararapat sa ‘mabuting’ mamamayan.

Panghuli, ang pagdakip sa mga tambay ay hindi tungkol sa pagsugpo sa krimen, ito ay tungkol sa PAGLALAGAY sa mga tao sa kanilang tamang lugar. Ito ay paglilimita sa espasyo na dapat malaya nila/nating nagagalawan. Ito ay paraan ng estado para bawiin muli ang espasyo sa mga naisangtabi, sa mahihirap. Ito ay paraan ng kontrol at pagpaparamdam ng kapangyarihan.

**sinulat ko muna ito sa Ingles, pero parang hindi bagay dahil nawawala ng ung esensiya ng salitang tambay, kung nais ng English version, paki message na lang ako*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s